Samstag, 22. November 2014

Tumingin paharap, hindi palikod

(tagalog.llco.org) Tumingin paharap, hindi palikod. Ang tinatawag na “Marxismo” ng nakaraan ay naghihingalo. Komunismong Patnubay Liwanag ang landas pasulong. Atin ang syentipikong breyktru na magsusulong sa mga susunod na malalaking alon ng rebolusyon, ang Pandaigdigang Digmang Bayan, tungo sa ganap na tagumpay. Ang ideolohiya ay isang sandata. Ilagay natin ang pinakamalakas na sandata sa kamay ng mga nangangailangan nito. Panahon na para itaas ang sunod, pinakasulong na yugto ng rebolusyonaryong syensya. Huwag magtulog-tulugan. Ang higit na nakararaming tao ay halos hindi makatawid-gutom. Ang sangkatauhan ay nangangailangan ng patnubay. Kailangan nating paglingkuran ang sambayanan. Mandirigma tayong lahat. Ang atin ay isang matagalang pakikibaka. Nandito tayo para sa pangmatagalan. Tayo ay nasa sarili nating mahabang martsa. Wala nang ibang mas dakilang layunin para ialay ang ating buhay. Kung nakikita mo ang inhustisya sa mundo, kailangan mong kumilos, mag-organisa, lumaban. Labanan ang sarili, labanan ang rebisyunismo. Para maging isang tunay na komunista, isang Patnubay Liwanag, kailangang mamuno, magsakripisyo, mag-ambag, mamuhay at mamatay para sa kinabukasan. Ang landas ng Patnubay Liwanag: 1. Ang aming mithiin ay Komunismong Patnubay Liwanag. Ang katapusan ng lahat ng pang-aapi. Walang pagsasamantala. Walang mayaman. Walang mahirap. Walang pambansang pang-aapi. Walang sobinismo. Walang rasismo. Walang pang-aaping pangkasarian. Walang sexismo. Walang pang-aapi sa kabataan, matatanda, kababaihan, o kalalakihan. Walang pang-aapi sa Inang Lupa. Lumalaban kami para sa isang lubusang egalitaryan at sustenableng kaayusang panlipunan. Kabuuang Pagpapalaya. Komunismong Patnubay Liwanag. 2. Rebolusyon ang tanging solusyon. Dead-end ang reporma. Hindi tayo magtatagumpay sa pagrereporma sa Lumang Kapangyarihan, sa mga lumang institusyon, sa lumang estado. Magtatagumpay tayo sa pagbubuo ng Bagong Kapangyarihan ng Patnubay Liwanag. 3. Pandaigdigang Digmang Bayan ng Patnubay Liwanag. Tayo’y mga mandirigma ng bayan, mga tapat na mandirigma ng Patnubay Liwanag. Nabubuhay tayo at mamamatay para sa kinabukasan na nararapat. Bitbit natin ang ating buhay sa dulo ng ating mga daliri. Huwag kailanman sumuko. Lumaban hanggang sa tagumpay. 4. Ang Komunismong Patnubay Liwanag ay hindi lamang naghahangad na ulitin ang mga nakaraang rebolusyon, bagkus ay malampasan pa ang mga ito. Wala pang nakakagawa ng ating rebolusyon. Ang rebolusyon ng Patnubay Liwanag ay ang bagong breyktru na magsusulong sa sangkatauhan sa pinakamataas pang lebel. 5. Nasa atin ang organisasyon at pamunuan na talagang may kakayahang magtagumpay, ang Organisasyong Komunistang Patnubay Liwanag. Hindi sapat ang puro salita. Ang pagiging rebolusyonaryo ay ipinapakita sa gawa. 6. Mamuhay, Maglingkod, Mamatay. Lahat para sa bayan, sa Inang Lupa, sa kinabukasan, sa Organisasyon, sa pamunuan. Tayo’y mga tapat na pulang mandirigma, mga mandirigma ng bayan, mga Patnubay Liwanag. Mabuhay ang Patnubay Liwanag! Sumisikat ang araw natin. Parating na ang araw natin. Gusto mong tumulong? Magsakripisyo ka, mag-ambag ka. Tumulong magmulat at mag-organisa. Makipag-alam sa llco@llco.org.

Keine Kommentare:

Kommentar veröffentlichen